Sarah, hiyang-hiya kay Mega
by Rowena Agilada, TEMPO
Link to original article
ISANG seryosong Ai-Ai de las Alas ang kumanta noong press presentation ng ABS-CBN sa Music Museum para sa buong cast ng "Bituing Walang Ningning," kaya nanibago ang press. Sa trailer na ipinakita, ser-yoso ang papel ni Ai-Ai, taliwas sa mga ginampanan niya sa pelikula at telebisyon. Bagong Ai-Ai ang mapapanood sa sine-seryeng pinagbibidahan ni Sarah Geronimo, bilang adop-tive mother ng singing sen-sation.
Kumanta rin sina Zsa Zsa Padilla, Angelika de la Cruz and, of course, si Sarah. Ang gandang pagmasdan ng tatlo na magka-kasamang kumakanta sa stage. Walang sapawan. Sort of excerpts ng "BWN" in a musical play ang presentation ng cast na habang kumakanta ang mga nabanggit na bituin ay nag-e-emote naman ang ibang co-stars nilang sina Amy Austria at Tonton Gutierrez.
Others in the cast are Ryan Agoncillo, Dominic Ochoa, Carlo Aquino, John Prats, Mico Palanca, Tuesday Vargas, Janus del Prado, Carla Humphries, Chris Kayzer, Jay Perillo, and Little Big Star winner Mica Roi Torre.
Also at the Music Museum were the two directors of "BWN," Erick Salud and Jerome Pobocan, Nerissa Cabral (scriptwriter, Deo Endrinal (over-all in-charge of pro-duction). Mapapanood ang "BWN" simula sa Lunes, May 15.
Kabado
Aminado si Sarah Geronimo na kinakabahan siya, at the same time ay napi-pressure na ipinag-katiwala sa kanya ang role ni Dorina Pineda na ginampanan ni Sharon Cuneta sa movie version ng "Bituing Walang Ningning." Aniya, hindi maiwasang ikum-para siya sa megastar. "Walang pa-pantay kay megastar dahil iba siya," ani Sarah.
Nahihiya nga raw siya at speechless kapag nagkikita sila ni Sharon sa ABS-CBN. Pero mabait naman ito at parati siyang sinasabihan na galingan niya. "Nagpapasalamat ako na na-bigyan ako ng pagkakataong ma-gampanan ang role ni Ate Sharon. Basta I’ll do my best," said Sarah. Sa tape lang daw niya napanood ang "Bituing Walang Ningning."
Angelika de la Cruz plays Lavina, ang character na ginam-panan ni Cherie Gil at si Ryan Agoncillo naman si Nico Escobar, ang record producer (portrayed by Christopher de Leon).
Tag: Press
0 Comments:
Post a Comment
<< Home