Monday, October 02, 2006

Pagtataray ni Angelika

Pagtataray ni Angelika kay Sarah true-to-life?
FOOTLOOSE
by : Leo M. Bukas

Link to original article

NASA Araneta Coliseum kami noong tine-tape ang grand showdown nina Sarah Geronimo as Dorina at Angelika dela Cruz bilang Lavinia para sa finale ng soap operang Bituing Walang Ningning ng ABS-CBN na magwawakas na sa Friday.

Una naming nakita sa audience si Manay Lolit Solis na avid fan pala ng Bituing Walang Ningning. In fairness, nauna pa siya sa amin do’n at prenting-prenteng nakaupo beside Jojo Gabinete.

Punumpuno rin ang Araneta Coliseum at hindi magkamayaw ang mga tao. May dala-dala silang banner for Lavinia and Dorina. Nakipag-cooperate din ang audience habang nagte-taping. Walang sumisigaw ng Sarah o Angelika. Dorina at Lavinia lang talaga, huh!

Nang magsimula na ang grand showdown, lalong dumagundong ang tili ng mga tao. Nasa kani-kanilang karakter na rin sina Angelika at Sarah pati ang iba pang cast na nakaupo sa front row malapit sa stage. Nagpatalbugan sa pagkanta ang dalawa. May moment na si Angelika ang nagsa-shine, pero palibhasa’y likas na magaling umawit itong si Sarah, hindi talaga maiwasang masapawan siya nito.

Habang nasa gitna sila ng stage sa Araneta, dala-dala pa rin ni Angelika ang mga pagtataray niya kay Sarah na part ng kanilang mga karakter na ginagampanan sa soap. Pero, parang totohanan na ang nangyayari. Kahit ang audience, mistulang nagsasabong at nagbabanggaan na rin sa loob ng Araneta.

Ang husay-husay ni Angelika sa kanyang mga eksena habang kumakanta with matching pagtataray at pairap-irap pa kay Sarah.

Lalo kaming bumilib kay Angelika sa last part ng ng showdown kung saan magkahalong lungkot, tagumpay at at pagsisisi ang kanyang nararamdaman.

Hanep ang performance ni Angelika, huh! Aaminin namin, ngayon lang kami bumilib talaga sa dalagang ito. Siguro dahil na rin sa dami ng mga karanasan niya sa buhay at sa tagal na rin niya sa showbiz, nahinog na rin ng panahon itong si Angelika.

With regards to Sarah naman, as a newcomer sa larangan ng pag-arte, puwedeng-puwede na siya. Hindi rin siya nagpatalbog kay Angelika. Kung anong emosyon ang kailangan sa eksena, ibinibigay rin niya.

Pero, para sa amin, mas nagningning ang bituin ni Angelika noong kanilang grand showdown. Hindi na namin ikukuwento pa ang mga nangyari rito kung bakit kami napaiyak nang todo. Basta panoorin n’yo na lang ang Bituing Walang Ningning sa huling linggo nito simula ngayong Lunes ng gabi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home