Thursday, September 21, 2006

Bituin Finale Taped

WARNING: Spoilers ahead!

Abante Online
September 21, 2006

Lolit, iniyakan sina Sarah at Angelika!
ni Jojo Gabinete

Link to original article

STANDING ovation, masigabong palakpakan at malakas na tilian ang ibinigay ng audience sa ending ng showdown nina Dorina Pineda (Sarah Geronimo) at Lavinia Arguelles (Angelika dela Cruz) sa Bituing Walang Ningning na ginanap noong Martes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Humanga kami sa husay nina Sarah at Angelika dahil tuhog ang kanilang mga eksena pero hindi sila nagkamali kahit minsan. Hindi biro ang tuluy-tuloy na pagkanta nila habang umaarte at umiiyak sa stage.

Bago kinunan ang finale ng Bituing Walang Ningning, nagkaroon muna ng blocking at rehearsal ang buong cast ng drama series ng ABS-CBN. Maaga kaming dumating sa Araneta Coliseum kaya napanood namin ang rehearsal nina Sarah at Angelika.

Sa rehearsal pa lang, napaiyak na ang dalawa, pati na sina Zsa Zsa Padilla at Ai Ai delas Alas. Napaiyak si Angelika nang isabit sa kanya ni Sarah ang sampaguita pagkatapos magpaalam na ‘yon na ang kanyang huling pagkanta.

***

Eksaktong 7:30 pm nang mag-umpisa ang taping para sa ending ng sinusubaybayang drama series ng ABS-CBN. Bago sinimulan ang taping, binigyan ng instructions ang audience na kailangang ang mga pangalan nina Dorina at Lavinia ang kanilang isigaw.

Naging cooperative ang manonood. Actually, totoo at hindi na acting ang pagpalakpak at pagsigaw nila sa mga pangalan nina Dorina at Lavinia habang kumakanta ang dalawa.

Dahil na rin sa galing ng mga artista, nag-iyakan ang manonood dahil sa mga makabagbag-damdaming eksena kahit walang intensyon ang mga artista na paiyakin ang audience.

***

Kasama namin si Lolit Solis sa panonood ng grand showdown nina Sarah at Angelika. Hindi itinatanggi ni Lolit na paborito niya ang Bituing Walang Ningning at nagpunta rin siya sa Araneta Coliseum bilang suporta sa kanyang mga alaga na bahagi ng cast, sina Tonton Gutierrez at Amy Austria.

"Ang cheap ko, ha!" ang dialogue ni Lolit habang pinapahid ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi dahil nadala siya sa mga eksena nina Sarah at Angelika.

Maraming TV camera ang ginamit nang kunan ang finale ng drama series. Sigurado kami na nakunan ng kamera ang pag-iyak ni Lolit at ang kanyang walang patid na pagpalakpak habang kumakanta si Sarah.

Nang gabing ‘yon, isang fan at hindi TV host o talent manager ang aming nakasama. Hanggang ngayon, nakatatak sa isip namin ang walang patid na pagpalakpak ni Lolit kahit walang dahilan para palakpakan ang ilang eksena na pinapanood namin.

In fact, sa rehearsal pa lang, hindi nag-iisa sina Zsa Zsa, Ai Ai, Angelika at Sarah sa pag-iyak dahil mula sa kanyang kinauupuan, umiiyak din si Lolit na 4 pm pa lang ay pumunta na sa Araneta Coliseum.

Nag-feeling cast member ba ng Bituing Walang Ningning si Lolit Solis? Well... sort of!

____________________

Ang Pilipino Star Ngayon
September 21, 2006

Baka ma-extend ang ‘Bituin...’ kahit nakunan na ang finale nito
Link to original article

Nakakapangilabot ang taping ng pagwawakas ng Bituing Walang Ningning na ginanap sa Araneta Coliseum last Tuesday night dahil saksi ang more than 15,000 katao kung sino talaga ang mas magaling sa dalawang diva, kung si Lavinia (Angelika dela Cruz) at Dorina (Sarah Geronimo).

Nang papunta kami sa nasabing venue ay inisip namin na konti lang ang tao dahil nga taping lang naman at hindi tipong concert style talaga, e, nagulat kami dahil tunay pala itong concert as in showdown.

Punumpuno ng iyakan sa ending at very touching ang pagkaka-buo ng pamilya ni Dorina at nang manumbalik siya bilang "avid fan" ni Lavinia dahil muli niyang sinabitan ng sampaguita ang idolo niyang si Lavinia habang kumakanta ito.

Mapapanood ang buong senaryo sa katapusan ng Setyembre, pero narinig namin na baka may extension pa dahil may mga eksenang idinagdag.

Samantala, nasa audience ang bigwigs ng ABS-CBN headed by Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Linggit Tan, Deo Endrinal, Joanna Gomez at iba pang familiar faces.

___________

Ang Pilipino STAR Ngayon
September 21, 2006

BABY TALK Ni Salve V. Asis
Link to original article

Supposedly ay taping lang ang magaganap last Tuesday night sa Araneta Coliseum ng ending ng Bituing Walang Ningning. Pero isa pala itong full length concert featuring Sarah Geronimo. In fairness, napuno ang Araneta at marami pang tao kesa sa napuntahan kong concert sa Araneta recently lang.

Kung singing lang nga ang usapan, no comparison between Sarah and Angelika dela Cruz na magkalaban sa Bituing Walang Ningning. Surely, nakakakanta si Angelika pero iba ang timbre ng boses niya compared to Sarah na in demand sa concert scene at ilang platinum award na nga ba ang nasa collection niya ng award.

Kung sabagay, sa primetime sineserye lang naman ang nasabing tapatan kaya useless na i-compare sila.

I heard na dapat ay live ang ending ng Bituing Walang Ningning, pero na-extend ito. Mataas daw kasi ang rating.

Maganda ang ending. Nakakaiyak.

Very cooperative ang audience at obvious na followers sila ng programa dahil alam nila ang bawat flow nito.

After ng showdown, nagkaroon ng pasasalamat concert ang buong cast ng Bituin plus malalaking singers and stars ng ABS-CBN plus Aga Muhlach nag-speech as no. 1 endorser ng Jollibee na major sponsor ng nasabing concert.

Pero ang bottom line, si Sarah pa rin ang bida. Grabe ang importance na ibinigay ng ABS-CBN kay Sarah. Nanood pa ang mga top guns ng ABS-CBN - Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes and Mr. Deo Endrinal, Viva’s Mr. Vic del Rosario among others.

Moment ni Sarah ang gabing ‘yun. And she deserves it.


_____________________

Photos from the Grand Showdown
Courtesy of Aiga at the BWN thread on PinoyExchange

Spoiler Alert: Ending details are revealed in the photos.

Click on a thumbnail to view the full image.



________________

Tag: Press, Showdown, Photos

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home